ang madukutan
Parang pakikipagbreak sa karelasyon ang mawalan ng
cellphone. At maraming beses ko na itong naranasan. Naholdap ako, tinutukan at
tinangay ang buo kong bag (kung saan naroon ang cell, wallet at undergrad thesis
ko, hard copy at diskettes nito). Nasiraan na rin ako ng cellphone kaya
kelangan kong ibalik sa pinaggalingan. nakapagbigay na rin ako ng cell sa
kapatid, isang beses, sa kaibigan pa ngang nangangailangan. at ngayon nga, nadukutan.
kung matagal mo nang gamit ang isang cellphone. As in matindi na ang pinagdaanan nyo tulad ng naulanan na kayo, nalublob sa baha, nadapa sa bako-bakong kalsada, napadpad sa mapanganib na lugar (nagkalat ang sanggano) at todo-proteksiyon ka sa cell mo, katabi mo siya sa pagtulog, Minsan siya pa ang inaasikaso mo kahit kasama mo ang mga kaibigan mo, una mong hinahanap ang cell mo pagdating sa bahay pag naiwan mo to. Pag ganyan katindi ang attachment, pag nawala tong cell na to, talagang mararattle ka. lalo pa’t sapilitang kinuha sa’yo o dinukot nang palihim. Magpapanic ka. magfa-flashback in 5 seconds ang lahat ng nandoon sa cell mo: ang halaga nito sa buhay mo, ang P300 call card na kaloload mo lang noong isang araw, ang mga forwarded messages na kahit 2 taon na e hindi mo pa binubura kasi pampalakas ang mga yon ng loob mo, ang cost ng cellphone mo. Lahat-lahat. Babalik sa isip mo in 5 seconds.
Tapos magsusumbong ka sa pulis para mawarningan ang iba. Pero siyempre ang mga pulis wala naman talagang nagagawa kundi magsabi ng “oo, sila nga ‘yon. Hindi lang namin matiyempuhan ang mga magnanakaw na ‘yan, e” at magpayo ng: “‘ne, mag-iingat ka na lang sa susunod.” At pusta ko, magpapasalamat ka pa kahit maluha-luha ka na. “thank you po, sir.”
Tapos pagtalikod mo, marerealize mo at matatanggap mo na wala ka na ngang cell. Kahit pa ipinangako ni Police Inspector Akoangbossngmandurukotsobakitkopaibabaliksayoangcellmo,tanga?
na tatawagan ka niya pag nahuli ang mga maysala, tanggap mo na: wala na, forever, ang iyong cell. Siguro sa susunod na lifetime, magkukrus uli ang inyong landas. Posible. Pero not in this lifetime, pare. So better accept the loss na lang, you know.
Sa una, maninibago ka. mami-miss mo ang cell mo. Minsan feeling
mo may cell ka pa rin. Pag me tumunog na toot-toot mag-aapuhap ka sa bag mo. Feeling
mo cell mo ‘yon. Minsan, maririnig mo ang ring tone mo kahit tahimik naman ang
paligid. Pag gagamitin mo na’t hinahanap na sa bag, saka mo maaalalang wala na
pala ito. iba na ang may hawak. Iba na ang humihimas at pumipindot dito. sa
unang gabi, sisisihin mo ang sarili mo. Ba’t kasi ang tanga-tanga mo. Of all
places, don ka pa mawawalan. Mapapamura ka pa. tapos magwiwish ka sana sana
Tapos maiisip mo uli ang cell mo. Hindi ka patatahimikin ng
mga alaala nito noong magkasama pa kayo. Maiisip mo noong winawalang bahala mo
ito. minsan nababagsak mo kasi careless ka. minsan, binabato-bato mo na lang sa
kama
Kung wala kang pera, hindi ka muna bibili ng kapalit. Makikitext
ka lang sa iba. Makikipindot sa cellphone nang may cellphone. Yung iba, willing
magpahiram. Yung iba hindi. “wala na akong load, e,” sasabihin sa’yo. Sasagot ka
naman ng, ok lang. sige kay ano na lang ako makikitext. Pero actually,
sinisigawan mo na siya ng DAMOT!!! sa isip mo. Secretly, nagsa-shopping na rin ang
utak mo. Tumitingin tingin ka na rin kung ano ang maganda at murang cell. Maiinggit
ka sa ibang may cell at sasabihin mo pa dun sa mayabang mong kakilala na, sana
Pag bumili ka ng bagong cell, maeexcite ka. tutuklasin mo
ang features nito. nagpapalipas ka ng mga tatlong buwan bago tuklapin ang plastic
sa LCD. Tapos susubukan mo lahat nang nasa menu. Pipindot ka rin nang pipindot.
Aba
Tapos siyempre paranoid ka na baka mawala uli itong kasalukuyan mong cellphone. Ipakasisiksik mo ngayon ito sa full metal jacket este bag mo. Itatali mo pa nga sa leeg minsan. O kaya iiwan na lang sa bahay, wag na idisplay at baka manakaw na naman.
Tapos after sometime mamimiss mo uli ang dati mong cell kasi nga kahit papaano maninibago ka sa pagpindot dito sa bago, sa pagtunghay sa mukha ng bagong cellphone, minsan magpapalit ka rin ng charger. All in all, marami talaga ang mababago. Bahagi na kasi ng pang-araw-araw na buhay ang nawala e. tsk…
But, dear, me cellphone man o wala, ang life e, parang show. it must go on. Hihinga ka pa rin,
kakain, iinom, maliligo, matutulog, mag-aaral, magtatrabaho, tatanda,
mamamatay. At tulad ng cellphone ang iba pang mga bagay sa buhay mo. Mabubuhay ka
kahit wala ang mga ito. so pag nawalan ka na nang lahat-lahat, dun mo marerealize, ang
pinakamahalaga pala, e, walang iba kundi ang hininga mo at ang willingness mo
na ipagpatuloy ang pagbuga at paghithit ng hangin, ng buhay.
Parang pakikipagbreak sa karelasyon ang mawalan ng cellphone, korek? Masakit. Sa ulo, sa bulsa, sa puso. Pero sige, tuloy pa rin ang buhay. Sus, para cellphone lang? at sabi nga dati ng nanay ko, sus, para si ________ lang?
Kaya tinatawag ko lahat ng ninakawan ng cellphone (at ng mga jowa na rin), sabay-sabay nating murahin ang mga lintik na magnanakaw na yan. at ipakita natin sa kanila, with a smile ha, na magpapatuloy tayo…..magpapatuloy!!!
Inhale…. exhale ….inhale….exhale…. Inhale…. exhale ….inhale….exhale….

Comments